I’ve been in ur account for i think since you released that tibak chengwei. So, I’ll ask a debatable question. Sa tingin mo, ano ang mas nakakatakot para sa demokrasya: ang mismong putukan sa Senado, o ang posibilidad na unti-unti na tayong nasasanay sa ganitong klaseng political chaos?
in my opinion, mas nakakatakot ‘yung posibilidad na unti-unti na tayong nasasanay dito. ‘yung putukan sa senado ay isang malinaw na sintomas. oo, nakakagulat at dapat lang kondenahin, pero kung iisipin mo, mas delikado kapag ang reaksyon ng mga tao ay “normal na lang ‘yan.”
kapag nasanay ang publiko sa political violence at kawalan ng accountability, bumababa rin ang standards natin sa kung ano ang katanggap-tanggap sa gobyerno. unti-unti, nawawala ‘yung gulat, tapos napapalitan ng pagod, memes, o indifference. at doon mas madaling lumusot ang abuso, kasi wala nang collective outrage o pressure para managot ang mga nasa kapangyarihan.
tandaan mo na democracy doesn’t just die through one violent incident. minsan, namamatay siya sa paulit-ulit na pagkapagod ng mga taong dapat sana’y patuloy na nagtatanong at naniningil.
Revospring uses Markdown for formatting
*italic text* for italic text
**bold text** for bold text
[link](https://example.com) for link